pagkatapos ng isang mahaba at nakakainip na laboratory class, nagmamadali kang lumabas ng PS C-101. hindi ka nagbreakfast kaya u-me-echo na sa buong physci ang sumisigaw mong tiyan. inayos mo ang gamit mo. hinubad ang oversized na labgown. sinilid sa bag ang kulay pink na lab manual. nagpaalam kay mam at kay classmate. gusto mu ng tumakbo sa sobrang gutom. konting lakad pa, naghihintay ang mga kaibigan mo para sa'yo. para sabay-sabay kayo.
pagkatapos ng mabagal na paglalakad sa c-park at mahabang debate kung san nyo trip kumain, nakita mo na lang ang sarili mong nakaupo sa isang kainan. first time mo 'tong mapuntahan. sa kabila ng gutom, nakuha mo pang makipag-chismisan. lumapit si kuya. nag-abot ng 8 by 11 na papel. naka-laminate. may litratong tila nananadyang ipaalala sayo'ng gutom ka. binasa mo. tiningnan ang presyo. binasa ulit. nagtanong ng "ano sa'yo?" binasa ng paulit-ulit. chumika. nagbasa. nagtanong. chumika at nagbasa. bago ka pa man makapili, nakalimutan mo ng gutom ka. pagtingin mo sa orasan, ala-una na. time na. wala na.



sometimes, the world lays down so many choices in front of us, we get overwhelmed. we know how much we want it. we've waited so long just to have it. we just don't know what it is. there's so many choices. all we have to do is pick one. but at times, we end up choosing none.
sabay-sabay dumating.
sabay-sabay ding nawala.
tsktsk.
*allyne_waiting for the next meal.
pagkatapos ng mabagal na paglalakad sa c-park at mahabang debate kung san nyo trip kumain, nakita mo na lang ang sarili mong nakaupo sa isang kainan. first time mo 'tong mapuntahan. sa kabila ng gutom, nakuha mo pang makipag-chismisan. lumapit si kuya. nag-abot ng 8 by 11 na papel. naka-laminate. may litratong tila nananadyang ipaalala sayo'ng gutom ka. binasa mo. tiningnan ang presyo. binasa ulit. nagtanong ng "ano sa'yo?" binasa ng paulit-ulit. chumika. nagbasa. nagtanong. chumika at nagbasa. bago ka pa man makapili, nakalimutan mo ng gutom ka. pagtingin mo sa orasan, ala-una na. time na. wala na.



sabay-sabay dumating.
sabay-sabay ding nawala.
tsktsk.
*allyne_waiting for the next meal.
No comments:
Post a Comment